Isusubasta na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga nakumpiskang ari-arian ng mga taxpayer na nabigong magbayad ng kanilang buwis.

Sa pahayag ni BIR Commissioner Caesar Dulay na inilathala sa kanilang website, binanggit na ang kanilang notice of sale ay naaayon sa Section 213 ng National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997.

“The bureau will sell at public auction for cash to the highest bidder the seized and forfeited properties from the taxpayers due to non-payment of internal revenue taxes,” ayon kay Dulay.

Ayon sa announcement ng BIR na pirmado ni Dulay noong nakaraang Agosto 9, aabot sa 35 ari-ariang nakumpiska ang isasailalim sa public sale na isasagawa sa National Training Center, Bureau of Internal Revenue office sa Agham Road, Diliman, Quezon City, sa Setyembre 8 dakong 9:00 ng umaga .

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kabilang sa mga ito ang residential lots, condominium units, industrial lots, commercial lots, at agricultural lots.

“The BIR, thru its Bids and Awards Committee-Acquired Assets, reserves the right to reject any or all bids received and to withdraw properties from the auction sale,” ayon sa ahensya. (Rommel Tabbad)