Agosto 22, 1950 nang lumahok ang unang African-American player na si Althea Gibson sa isang American national tennis competition, matapos payagan ng United States (US) Lawn Tennis Association na makiisa sa annual championship nito sa New York.
Nagsimulang maglaro ng tennis si Gibson sa edad na 14, at napanalunan ang una sa 10 national championship noong 1947.
Sa unang bahagi ng 1950s, nahirapan si Gibson sa sport tour, ngunit nanalo sa French Open noongs 1956. Matapos noon, kinubra niya ang unang puwesto sa Wimbledon at US Open.
Nagretiro si Gibson sa amateur tennis, dahil na rin sa pinansiyal na problema, dahil walang suweldo ang mga baguhang manlalaro. Sa unang bahagi ng 1960s, siya ang unang black person na lumaban sa isang female golf tour.
Isinama si Gibson sa International Tennis Hall of Fame noong 1971, ngunit pumanaw noong 2003 dahil sa respiratory failure.