TINANONG si Aga Muhlach pagkatapos ng Q and A sa kanyang solo presscon bilang ikaapat na hurado ng Pinoy Boyband Superstar kung may plano pa rin ba siyang kumandidato sa pulitika.
“No, no, no, no. I just saw that part, it was nice that you wanted to help and experienced it, but then, sayang, there’s no truth to it. Parang that time... (hindi mabanggit ang dayaan) basta!” sagot ng aktor.
Hindi naman masasabi ni Aga na na-trauma siya.
“Hindi ako na-trauma, nakita ko lang ang tunay na istorya. I’ve always wanted to see it, parang if I don’t do it now, sabi ko. So I did it and I learned so much from it.
“Not in life because okay naman ako sa buhay ko, but it’s just that nakita ko lang ang kahirapan ng tao. Kasi, when you campaign and you go house-to-house, pupunta kang barangay, makikita mo ‘yung sitwasyon talaga. Na mahirap pala talaga ang bayan natin. Naghirap. Ewan ko kung ba’t nagkaganu’n,” sabay iling at ayaw nang magkuwento pa.
Samantala, sa Q and A ay ibinuking ni Aga na ang anak niyang babae na si Atasha ang pinaka-excited sa pagiging hurado niya sa Pinoy Boyband Superstar, kaya isinama niya ang dalagita sa meeting niya sa ABS-CBN. Masaya ang kambal sa pagbabalik niya sa telebisyon.
“Oh, they’re excited, my kids, medyo naninibago, parang hindi sila sanay, but they’re excited. They’re turning 15 this year, so they understand it.
“Plus the show is Pinoy boyband, so they can relate to it. Sa mga teeners kasi. So, they’re all looking forward to the show.
“As a matter of fact, my daughter wants to watch the first taping day. Pero may eskuwela, eh. Pero hahabol ‘yan for sure,” masayang kuwento ng aktor.
Ikinuwento rin ni Aga na tagahanga siya ng anak niyang si Andres na marami na ring fans at pinagkakaguluhan na ng netizens dahil lalong gumuguwapo habang nagbibinata.
“Ako’ng magsasabi, talagang guwapo si Andres. Kahit ako, nababakla ako sa anak ko. Sabi ko, ‘what happened to you?’
‘Yung mga reporters nga na nakakita sa recent picture ni Andres ay nagulat din dahil tumangkad na ito, gumuwapo pang lalo at pang-heartthrob ang dating.
“Yeah, and he’s really a nice boy. But he doesn’t have social media. He just got his phone last month. First time silang nagka-phone last month, silang magkapatid.
“So, they really don’t know what’s happening. But kinilig ako, eh. Nu’ng sinabing parang Daniel (Padilla), James Reid, parang ganyan, sabi ko, ‘oh my God’!’ Ganu’n pala ang feeling, ano?”
Nang tanungin kung papasukin na rin ba ni Andres ang showbiz...
“But of course, I just let him finish high school, and then he goes to college, and then I let him decide,” saad ng aktor.
Nabanggit din ni Aga na hindi rin siya aktibo sa social media.
“I have my Facebook, but my Facebook is a personal page, my Instagram naman parang tinitingnan ko, parang 200 posts pa lang ako. ‘Yung iba pala, mga 10,000 posts na. But now, we’ll see,” saad ni Aga. (Reggee Bonoan)