Sinimulan na kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta sa 85 milyong balota para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 31.

Sinaksihan ng mga opisyal ng Comelec, sa pangunguna ni Chairman Andres Bautista, ang pormal na pagsisimula ng pag-iimprenta dakong 11:00 ng umaga sa National Printing Office sa Quezon City.

Ayon kay Bautista, posibleng aabutin ng 60 araw ang ballot printing kayat maaga nila itong sinimulan upang hindi kapusin ng panahon, lalo na at mas maraming balota ang iimprenta ngayon kumpara sa 50 milyon noong 2013.

(Mary Ann Santiago)

‘Bullying needs to stop now!' Rabiya Mateo na-diagnose na may depression, anxious distress