Nakatapos ang kabuuang 67 sa 90 guro sa National Capital Region ng Wushu Coaching Course Clinic na ginanap sa loob ng walong sunod na Sabado at nagtapos nitong Agosto 20 sa Rizal Memorial Coliseum sa misyong hindi na mabokya sa medalya sa 60th Palarong Pambansa 2017.

Nakibahagi ang mga dalubhasa ng sport na sina two-time world champion Samson Co na umaktong clinic director, former world champ Mark Robert Rosales na taolu training dir., two-time World Cup titlist Jessie Aligaga na sanda training dir., 2015 Jakarta World Championships medalists Daniel Parantac (silver) Franisco Solis (bronze) na demonstrators, at Chinese coach Majing Wei.

“We are very fortunate to have this clinic and we are expecting that our teachers will be a big help to our student –athletes to perform better in next year’s Palarong Pambansa” ani NCR-Department of Education -Education Support Services Division chief Jocelyn Vilanueva-Marcial. “We went empty handed in last April’s Bicol Palarong Pambansa wuhsu competition.”

Pinasalamatan din niya ang mga umasiste sa kaganapan na sinimulan noong Hulyo 2 na sina Philippine Sports Commission chairman William Ramirez at Wushu Federation Philippines president Julian Camacho. Sumailalim ang mga guro sa theory, actual, exam at demo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa 10 golds sa 2016 PP wushufest secondary boys and girls contest, wala ni isang medal na nasungkit ang NCR athletes.

Dinomina ng Western Visayas ang dalawang dibisyon tungo sa 5-1-2 gold-silver-bronze medals. Kasunod ang Davao Region na may 3-3-2 at Eastern Visayas sa 1-1-2.

Ihahayag ng DepEd sa Oktubre ang winning bidder sa Visayas 2017 Palaro host na pinaglalalaban-labanan ng Cebu City, Iloilo City, Tacloban City at Bacolod City