Sasampahan na ng kaso ng National Police Commission (Napolcom) ang tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) na sangkot umano sa ilegal na droga matapos makitaan ng legal grounds.

Ito ang kinumpirma ng PNP sa report na kanilang natanggap mula sa Napolcom na sasampahan na ng kaso sina Director Joel Pagdilao, dating hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), Chief Supt. Edgardo Tinio, dating director ng Central Police District, at Chief Supt. Bernardo Diaz, dating hepe ng Police Regional Office 6 (PRO-6, sa pagkakasangkot umano sa ilegal na droga.

“Uunahin natin yung narco-generals, mayroong mga dalawa o tatlo na mapa-filan ng kaso bukas. Pero ayoko pangunahan ang Department of Interior and Local Government dahil ito po ang kanyang trabaho,”pahayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar

“Pagkatapos, sunud-sunod na yan. ‘Yung mga mayor na nakitaan ng sapat na ebidensya na kailangan talagang kasuhan,”dagdag ni Andanar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bilang parte ng kanyang name-and-shame-campaign, matatandaang isiniwalat kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga judge, local official, at police officer na sangkot umano sa ilegal na droga.

(FER TABOY at JUN FABON)