HATID ng Manila Broadcasting Company, inaanyayahang lumahok ang iba’t ibang chorale group para sa 2016 MBC National Choral Competition.

Bukas ito sa lahat ng chorale group mula paaralan, parokya, komunidad, tanggapan at maging special interest group.

Nakataya ang mahigit P100,000 premyo para sa mga magwawagi.

Magkakaroon ng children’s division at open category ang nasabing kumpetisyon.

‘Bullying needs to stop now!' Rabiya Mateo na-diagnose na may depression, anxious distress

Magsisimula ang live audition sa Cauayan, Isabela sa Setyembre 3; General Santos sa Setyembre 10; Dagupan City sa Setyembre 17; Iloilo sa Setyembre 24; Cebu sa Oktubre 1; Davao sa Oktubre 8; Legazpi City sa Oktubre 15; Star Theater sa Pasay City sa Oktubre 22-23.

Maaari ring magpadala ng audition piece sa tanggapan ng MBC kasama ang application form bago mag Oktubre 14.

Ang mga makakapasa sa provincial audition ay makakasama sa competition proper sa Disyembre 6 hanggang 10 sa Aliw Theater.

Para sa mas detalyadong mechanics, maaring tingnan ang official Facebook page ng MBC National Choral Competition.