Agosto 21, 1888 nang pagkalooban ng patent si William Seward Burroughs ng St. Louis, Missouri para sa imbensiyong “Calculating Machine,” ang unang practical adding machine. Noong siya’y bata pa, nagtatrabaho si Burroughs sa piling ng mga makina. Naglingkod siya bilang bank clerk sa Auburn, New York.

Nagtrabaho siya sa isang machine shop matapos niyang lumipat sa Missouri, at binuo ang kanyang calculating machine.

Matapos noon ay binuo niya ang mga orihinal niyang drawing sa metal plates upang maiwasan ang pagkakagusot. Ang ilan sa kanyang mga iginuhit ay binuo sa pamamagitan ng microscope.

Isinumite ni Burroughs ang kanyang patent application noong Enero 1885, at itinatag ang American Arithmometer Corporation of St. Louis makalipas ang isang taon.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Mula 1892 hanggang 1920s, ang lahat ng makina ni Burroughs ay may sloping keyboard, isang printing mechanism sa likod ng makina, at may glass front.