TRIPOLI (AFP) – Ginamit ng United Nations ang World Humanitarian Day nitong Biyernes upang manawagan ng tulong para sa Libya, sinabing milyun-milyong Libyan at migrante ang dumaranas ng labis na paghihirap dahil sa lumalalang krisis.
“More than 2.4 million people in Libya are in need of humanitarian assistance,” saad sa pahayag ni Martin Kobler, ang espesyal na kinatawan ng UN secretary-general sa Libya.
“They lack medicines, vaccinations and suffer from poor hospitalization services. Almost 300,000 children are out of schools and almost 350,000 Libyans are displaced within the country,” aniya.
Tinukoy din ni Kobler ang sitwasyon ng mahigit 270,000 migrante na nagsilikas mula sa kani-kanilang bansa at stranded ngayon sa Libya.
“The humanitarian needs created by the crisis in Libya are enormous and this should serve as an incentive for us to do our utmost to give hope to the people, particularly those in urgent need of humanitarian assistance,” dagdag niya.