Isang rookie police na sangkot umano sa robbery extortion ang inaresto ng kanyang mga kabaro sa inilatag na entrapment operation sa Barangay Masambong, Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ang naarestong parak na si PO1 Michael Gragasin, nakatalaga sa Station Anti–Illegal Drug ng Masambong Police Station 2.

Sa inisyal na ulat ng QCPD-PS2, ganap na 8:00 ng gabi kamakalawa nang arestuhin ng mga operatiba ng DSOU si PO1 Gragasin habang nakatayo sa gilid ng Masambong Police Station.

Hindi na umano nakapalag si PO1 Gragasin nang arestuhin nina Police Supt. Campo at Sr. Insp. Rene Balmaceda dahil sa reklamo ng suspek na nasangkot sa ilegal na droga na kinotongan umano niya.

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

Nakapiit ngayon si PO1 Gragasin sa Camp Karingal matapos sampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Prosecutors Office. (Jun Fabon)