ROBIN copy

KILALANG masugid na supporter ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Robin Padilla at bilang artista ay nalulungkot siya para sa mga kapwa niya taga-showbiz na nadadawit sa droga at isa sa mga araw na ito, kapag hindi pa sila sumuko, ay papangalanan na kung sinu-sino sila.

Ayon kay Robin nang makatsikahan ng entertainment press sa launching ng Bravo Food Supplement for Men, napakaganda ng plano ni Pangulong Duterte na linisin ang bansa laban sa drug lords.

“Ang mahal na pangulo po ay nagbibigay ng magandang serbisyo sa atin, ito pong ginagawa niya ay para po sa bansa ito, para sa atin,” sabi ni Binoe na may idinugtong na pakiusap. “Ang puwede po nating ipakiusap, ng showbiz world, kay Mayor (tawag niya kay President Duterte) na ‘yung mga pangalan ng mga artista ay huwag muna pong ilabas at sana magkaroon muna ng dayalog.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“’Yung mga pangalan po ng mga artista ay huwag munang ilabas, ang mga artista, mga manager, sa PNP (Philippine National Police) o anumang ahensiya sapagkat ang mga artista po, tandaan po natin, mga taxpayer po sila, sumusunod din po sila sa batas. Kung anuman ‘yung kakulangan at anuman po ‘yung kanilang pagkakamali ay sana mapag-usapan.

“Pero hindi po ako nagsasalita para po sa mga pusher, sorry po pero wala kayong lugar, pero ‘yun pong mga user, eh, sana po mabigyan sila ng puwang dahil sila rin po ay biktima rin.”

PRESIDENTE VS SENADORA

Ipinagtanggol din ni Robin Padilla si Presidente Duterte.

“Maniwala kayo sa hindi, napakabait pa ni Mayor, binibigyan pa po niya ng pagkakataon ang mga taong gustong magbago, dahil kung ‘yung gusto ko po ang masusunod na revolutionary government, wala po ito. Pero dahil si Mayor po, ang gusto niya ay maging mahinahon ang lahat.”

Nagkomento rin si Robin tungkol sa sigalot nina Pres. Duterte at Sen. Leila de Lima.

“Alam n’yo po, ‘yung pinag-uusapan, labas ang rivalry, ang pinag-uusapan dito ay naglilinis ang pangulo. Katulad ko, example ko ang sarili ko, kapag ako ay nasagasaan dito (dating sangkot sa drugs), hindi po ako magrereklamo dito bilang isang Pilipino na gusto mo ng pagbabago. Kung ano ang sabihin ng pangulo, susunod ako dahil gusto ko ng pagbabago. ‘Yung nangyayari po sa ating pangulo at sa ating senadora, ang tanong po diyan ay kung sino ang may hawak ng ebidensiya.

“Kasi sa mga pinag-uusapan po nila, mga public servant po natin sila, tandaan natin na sila po ay nangako at nanumpa sa, una sa ‘yo, pangalawa sa bandila ng Pilipinas. Kung sino ang nagsasabi ng totoo, siya ang maglabas ng ebidensiya. Hindi po ito usapin kung sino ang nasasaktan o naapi, hindi. Kung ano ang katotohanan at ito ang magpapalaya sa atin,” paliwanag ni Binoe.

BAKIT SA US MANGANGANAK SI MARIEL?

Samantala, sa November na manganganak ang kanyang wifey na si Mariel Rodriguez at baby girl ang magiging panganay nila, kaya tinanong si Robin kung ano ang ipapangalan sa bata.

“Meron pong magaganap na baby shower si Mariel sa September 3 at doon niyasasabihin ang pangalan ng bata. Kasi, ako, medyo binitinbitin din ng asawa ko, eh. Hindi lang sa usapin na ’yun, ha, pati po do’n sa gender. Matagal pa bago niya sinabi sa akin, nu’ng nakaraang linggo lang. ’Tapos, ito naman, ’yung pangalan. Kasi po, talagang gusto ko, sa kanya lahat manggaling. Saka desisyon din niya kung kailan ako magba-Bravo,” natawang sabi pa ng aktor.

Sa Amerika manganganak si Mariel at wala pang katiyakan kung makakasama si Robin dahil hindi pa siya binibigyan ng US visa sa kabila ng ilang beses na niyang pag-aaplay.

Bakit nga ba kailangang sa Amerika pa manganak, bakit hindi na lang dito sa Pilipinas?

“Yun pong kasing magulang ni Mariel, especially ‘yung daddy niya, ang kahilingan po ay doon siya manganak at siyempre iba rin ‘yung pakiramdam niya, kasama niya ang magulang niya pati ate niya, one big family event ‘yun. Kaya inaayos pa namin, sana mabigyan ako ng visa, saka gusto ko talaga tahimik ‘yung panganganak niya, malayo muna sa intriga kasi napakadelikado,” paliwanag ng aktor.

Ibinunyag ni Robin na maselan pa rin ang kalagayan ni Mariel kahit anim na buwan na ang ipinagdadalantao nito.

“’Yung anti-bodies niya kasi masyadong malakas, pinapatay ‘yung bata kaya kinokontrol ‘yun. Maingat kaya maraming gamot. ‘Tapos ‘yung sugar niya tumaas,” aniya.

Bakit panay pa rin ang kain ni Mariel ng cakes, base na rin sa posts nito sa Instagram gayong diabetic pala ito?

“Kasi si Mariel, napakabuti ng puso nu’n, kapag may nagregalo, kailangan niyang tikman, hindi naman niya inuubos, pati nga ako nagbigay ng cake rin (birthday ng asawa),” sagot ni Binoe.

OUTSIDE DE KULAMBO

At tungkol naman sa Bravo supplement for men na bagong ini-endorse nila ng kapatid niyang si Rommel Padilla…

“Kasi napakasinungaling ko naman kung sasabihin kong na-testing ko na ’yung Bravo kasi ho, ’yung asawa ko ay anim na buwan na buntis. Ipinagbawal po ng doktor na may gawin akong maganda. Kaya ako po ay outside de kulambo pa.

Ang Bravo food supplement kasi ay para sa kalalakihan, lalo na sa nakakaranas ng erectile dysfunction.

“’Eto pong Bravo, nang unang ikinuwento sa akin, siyempre, kailangan po muna nating imbestigahan. Lahat naman po ng iniendorso ko, hindi ko ’yan inendorso dahil malaki ang bayad sa akin o kailangan ko ng pera, o may pagdadalhan ng pera, hindi po. Lagi po riyan ’yung ’yan ba, eh, makakatulong ba talaga sa tao ’yan? ’Yan ba, eh, baka magbigay lang ng sakit.

“Kaya po, hanggang kanina po, totoo po ’yan, hanggang kanina, pinag-uusapan pa rin po namin kung ano ang kagandahan nito na ibibigay sa tao. Hindi po namin pinag-usapan ang tungkol sa salapi. Ang lagi po naming tinatanong, ito ba, eh, kasagutan sa problema ng maraming tao, lalo na ng kalalakihan.

“Talaga pong dumarating sa punto ’yun (na kailangan ng supplement). Hindi ko pa naman po nararamdaman dahil wala pa, eh. Siguro after three months,” kuwento ng aktor.

Kailangan na ba niyang gumamit ng pampakisig?

“Kung kailangan po nating mag-iwan ng marka sa gabing ’yun, kailangan nating uminom. ’Yung tinatawag po nating agimat. Kasi ’yung performance, nandiyan na ’yan, eh. Sa lahat ng mga lalaki, nandiyan ’yan, hindi mawawala ’yung performance. Pero iba ’yung may agimat ka.”

Ngayong nagkakaedad na si Robin, nababawasan na ba ang performance niya?

“Ah, hindi naman nabawasan pa. Wala pa. Nagwawala pa,” tumawang sagot ng aktor. (REGGEE BONOAN)