DAAN-DAANG aid worker ang pumirma nitong Biyernes sa petisyon para humingi ng mas maigting na proteksyon sa mga lugar ng digmaan, hinimok ang United Nations na tapusin na ang “a culture of silence and dishonesty” na ayon sa kanila ay nagpapahintulot sa mga relief worker upang puntiryahin ng pambibiktima nang walang parusa.

Inilunsad noong World Humanitarian Day, inilalarawan sa petisyon ang “a decades-long pattern of callous negligence” ng mga ahensya ng UN, mga gobyerno, at mga international relief group para protektahan ang mga tao na nagpupursige sa pag-aabot ng tulong.

“In the first half of this decade, more than 2,000 aid workers were kidnapped, extorted, used as proxy targets, bombed, assaulted, shot or otherwise attacked for doing their jobs,” saad sa petisyon.

“We, a global community of serving and former humanitarian aid workers, can no longer remain silent while so many of us are murdered, raped, taken hostage, and attacked with impunity in crisis zones around the world.”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inilunsad ang isang kampanya sa online petition website na Change.org ng tatlong aid worker support group, kabilang ang “Fifty Shades of Aid”, isang grupo sa social media na may mahigit 7,000 miyembro. Sa mga nagdaang oras, umabot na sa 1,000 ang lumagda rito.

Nanawagan ang petisyon para pagkalooban ng protected legal status ang mga humanitarian worker sa ilalim ng international humanitarian law at pagtatalaga ng special U.N. rapporteur para sa kapakanan ng mga aid worker.

Hinihimok din nito ang mga ahensya ng U.N., mga non-governmental organization (NGO) at ang Red Cross movement na bumuo ng isang common code of duty of care para sa mga aid worker.

“A culture of silence and dishonesty has grown around the realities of delivering aid in dangerous places,” anito.

Sinabi ni Megan Nobert, nagtatag ng Report of the Abuse, isang Geneva-based NGO na kumakalap ng datos sa mga karahasang sekswal laban sa mga aid worker at isa sa mga grupo sa likod ng petisyon, na nakasalalay sa United Nations “to take up the charge” para sa kaligtasan ng mga aid worker.

Lumabas sa publiko si Nobert, 29, noong nakaraang taon matapos gahasain sa South Sudan ng isang sub-contractor na empleyado ng isang ahensya ng U.N.

“Violence against humanitarian aid workers in general happens on a regular basis,” aniya.

Inihayag ng mga may akda ng petisyon na ang kampanya ay nagsimula dahil sa himutok sa isang insidente noong Hulyo nang ilang tauhan ng puwersang South Sudanese ang pumatay sa isang mamamahayag at halinhinang gumahasa sa mga aid worker sa isang compound sa kabisera na Juba.

Inakusahan ng mga nakasaksi ang U.N peace keeping mission, na nakapuwesto malapit sa pinangyarihan ng mga krimen, ng kabiguang magresponde sa insidente.

Noong Miyerkules, inulunsad ni U.N. Secretary-General Ban Ki-moon ang independent special investigation para sa nasabing insidente.

Sinabi ni Nobert na sa pamamagitan ng mabilis na access sa social media ay mas madali na para sa mga humanitarian worker ang magsalita. (Reuters)