Papatawan ng mabigat na parusa ang sinumang sibilyan na magsusuot ng uniporme ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Naghain si Cebu City Rep. Raul Del Mar ng panukalang batas na ang layunin ay susugan ang Republic Act No. 493 upang magkaroon ng epektibong pagkontrol sa mga krimen na nauugnay sa ilegal na pagsusuot ng AFP at PNP uniforms.

Pinalalawak ng panukala ang saklaw ng batas, kabilang ang pagbabawal sa paggamit o pagsusuot ng military at police uniforms o imitations at ang paggawa at pagbebenta ng military/police uniforms o imitasyon na gawa sa textile ng ganitong mga uniporme.

Batay sa panukala, ang violators ay papatawan ng 10 taong pagkabilanggo at multang P20,000 sa paggamit at pagsusuot ng military at police uniforms o imitasyon, samantalang ang limang taong pagkakabilanggo at P10,000 multa ay ipapataw sa hindi awtorisadong pagbebenta ng military at police uniforms sa sibilyan at produksyon ng textile, na ginagamit sa paggawa o produksyon ng kahalintulad na uniporme. (Bert de Guzman)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists