Hiniling ng mga lider sa Kamara na makipagkasundo ang gobyerno sa China kung papaano lalabanan ang illegal drugs.
Ayon kina Deputy Speakers Miro Quimbo at Eric Singson, panahon na para i-renew ng dalawang bansa ang bilateral partnership sa paglaban sa illegal drug trafficking.
“I think it’s a brilliant idea. Besides, the request now puts China’s sincerity to a test. Is their offer of friendship to the Duterte administration true or just for show?,” ayon kay Quimbo na nagsabing karamihan sa drogang kumakalat sa bansa ay galing sa China.
“There is no harm even a government to government effort to stop this illegal trade. I think China is aware that many of their citizens were arrested operating shabu laboratories,” ayon naman kay Singson.
Magugunita na iminungkahi kamakailan ni Senator Richard Gordon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na hilingin ang tulong ng China sa pag-aresto ng Chinese nationals na sangkot sa illegal drug trade sa bansa. (Charissa M. Luci)