AKLAN – Maaaring karapat-dapat na tumanggap ng parole ang dating alkalde ng Lezo makaraang mahatulan sa pagpatay sa isang broadcaster noong 2004.

Ayon sa pamilya ni Alfredo “Fred” Arcenio, posibleng mapalaya siya sa piitan nang mas maaga sa inaasahan.

Napatunayang nagkasala si Arcenio sa homicide kaugnay ng pagpatay kay Herson “Boy” Hinolan, ang station manager ng Bombo Radyo Kalibo.

Hinatulan ni Judge Sylva Paderanga, ng Regional Trial Court sa Cebu, si Arcenio ng walo hanggang 14 na taong pagkakabilanggo sa desisyong ibinaba nitong Agosto 9, 2016.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“If this is the sentencing given by the judge, Fred is now eligible for parole,” sabi ni Toto Arcenio, nakatatandang kapatid ng dating alkalde.

Nobyembre 14, 2004 nang barilin at mapatay ni Arcenio si Hinolan at taong 2008 lang sumuko ang dating alkalde sa awtoridad.

Sa Aklan unang nilitis ang kaso, ngunit kalaunan ay inilipat sa Cebu sa hiling na rin ng pamilya ni Hinolan para sa patas na paglilitis. (Jun N. Aguirre)