Inilahad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang inisyal na Eight-Point Platform and Policy Agenda ng DOLE upang matiyak ang sama-samang pag-unlad, tagumpay, at katarungan ng mga manggagawang Filipino at ng kanilang pamilya.

Ayon kay Bello ang ilan sa mga aspeto nito ay patuloy pa ring isinasaayos, samantalang ang iba ay nangangailangan ng tiyak at agarang aksyon.

Ito ang magiging kontribusyon ng DOLE upang makamit ang hinahangad ng Pangulong Duterte sa mga manggagawa, sa kanilang pamilya, gayundin sa mga employer, na magkaroon ng burukrasya na matapat, masipag at epektibong institusyon na nakahandang magsilbi sa mga Filipino.

Aniya ang Eight-Point Platform and Policy Agenda ay ang pagtataguyod ng empleyo at pagpapalakas ng mga kakayahan ng manggagawa; pagtitiyak na napoprotektahan ang kanilang kagalingan, karapatan; pagpapalaganap ng malakas at matatag na industriya sa pakikipagtutulungan ng iba’t ibang sektor. (Mina Navarro)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists