SARAH AT MATTEO copy

IPINAGMAMALAKI ni Matteo Guidicelli na mas maganda ang insurance firm niya kaysa iniendorso ng kasintahan niyang si Sarah Geronimo. Si Matteo ang karagdagan sa celebrity endorsers ng Sun Life at may TV commercial siya nito na umeere na ngayon.

Pero hindi naman daw nila pinagtalunan ni Sarah ang magkakalabang insurance companies na iniendorso nila.

“Sun Life is something I really believe in. Parang it’s a chance for every Filipino to invest. Here, your investment is only P5,000 and you can add every month and you’ll have financial adviser on how you will invest your money,” pagmamalaki pa ni Matteo.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Pero wala namang kagatul-gatol na inamin ng actor na si Sarah pa rin ang mas magaling na endorser kumpara sa kanya.

“I just want to be honest, she’s a great endorser, she’s a great role model, hands-down number one. Me, I don’t know what number I am, I just believe in the product I endorse,” lahad pa ng Star Magic talent.

Kilalang galing sa may sinasabing pamilya si Matteo, at sa loob ng sampung taon sa showbiz ay may ipinagmamalaki na ring sariling negosyo kaya kung tutuusin ay puwedeng-puwede na siyang magkarooon ng sariling pamilya.

Pero may mga pangarap pa siya para sa sarili.

“Maybe few more years. Siyempre, I think I’ve found the one,” napatawang banggit ng actor, na ang tinutukoy siyempre ay si Sarah.

Dagdag pa ni Matteo, kahit financially stable na siya at ready na talaga siya ay gusto pa rin niyang madagdagan ang ipon niya.

“Well, nag-iipon naman ako all the time pero siyempre, when I started ten years ago, my dad was very strict with me with my money, every year, he will report to me how much I gain, how much I lost, it’s my responsibility, of course.,” sey pa niya.

Inamin ni Matteo na hindi perpekto ang relasyon nila ni Sarah. May mga tampuhan pa rin daw sila, pero hindi nawawala ang suportahan nila sa isa’t isa.

“We climbed mountains, literally and figuratively. I encourage her to open her eyes, not just work, but to enjoy her life. She’s already 28 years old, she deserves it. We have to enjoy,” sambit ng actor.

Tungkol sa hindi pagsipot ni Sarah sa kanyang competition sa Ironman na ginanap sa Cebu, na sa obserbasyon ng marami ay naging dahilan ng hindi magandang performance niya, pabirong binanggit ni Matteo na dapat din daw talagang isisi ‘yun sa girlfriend niya.

“No, I just had two weeks of training sa Ironman. Pero okey na, sana next year year ma-break namin ‘yung five hours.

Masaya, masaya ang Ironman,” sey ng binata.

Bukod sa endorsements at pag-arte sa Dolce Amore, abala rin si Matteo sa Single/Single, Wheels sports show at paghahanda para sa kanyang tenth showbiz anniversary concert na gaganapin sa Waterfront Cebu, may titulong Matteo Gudicelli, Made in Cebu.

Ibinalita rin ng actor na meron na rin siyang production company, ang Big Bang Productions. (JIMI ESCALA)