ANKARA, Turkey (AP) – Isang kasalan ang binomba sa timog silangang Turkey na ikinamatay ng 50 katao at ikinasugat ng 90 iba pa, ayon sa mga awtoridad noong Linggo.
Sinabi ni Deputy Prime Minister Mehmet Simsek na lumalabas na suicide bombing ang nangyaring pag-atake dakong 10:50 p.m sa Sahinbey district sa Gaziantep city, malapit sa hangganan ng Syria, noong Sabado. Ayon naman sa ilang opisyal, maaaring kagagawan ito ng mga militanteng Kurdish o ng teroristang grupo na Islamic State.
Sa panayam sa telebisyon sinabi ni Simsek na, “This was a barbaric attack. It appears to be a suicide attack. All terror groups, the PKK, Daesh, the (Gulen movement) are targeting Turkey. But God willing, we will overcome.” Ang Daesh ay pangalang Arabic ng grupong IS.