GENERAL TRIAS, Cavite – Isang company supervisor ang nasawi habang siyam na iba pa ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Governors Drive sa Barangay San Francisco sa siyudad na ito.

Dakong 7:15 ng gabi nitong Biyernes nang mangyari ang pagkakarambola malapit sa Sitio De Fuego ng isang tricycle, isang van, at isang pampasaherong jeepney.

Kinilala ni PO3 Rommel Ronquillo Taal ang nasawi na si Venancio Santisomale Revilla, Jr., 40, supervisor, nagmamaneho ng tricycle na naaksidente, at taga-Bgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite.

Sugatan naman ang pasahero ni Revilla na si Rolindan Basubas Peninsula, gayundin ang mga pasahero ng jeep na sina Moises Mendoza Cabral, 38; Eva Joy Ungriano Cabral, 50; Mynard Ungriano Cabral, 16; Mhyke Justine Ungriano Cabral, 13, pawang ng General Trias; Von Daryl Tan Arcilla, 22, ng General Trias; Reavelanda Mangcoy Mabato, 27, ng Dasmariñas; Angelina Paradela De Paz, 39, ng Rosario; at Mhirthen Glorioso Satsatin, 19, ng Silang Cavite. (Anthony Giron)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar