ALEPPO (Reuters) – Namatay ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Omran Daqneesh, ang batang Syrian na ang imahe niyang tuliro at duguan matapos ang air strike ay pumukaw sa mundo, dahil sa mga tinamong sugat sa insidente.

Si Ali Daqneesh, 10, ay nasugatan sa air strike sa Aleppo noong Miyerkules, ayon sa U.K.-based monitoring group na Syrian Observatory for Human Rights.

“He was martyred while in hospital as a result of the same bombardment that their house was subjected to,” sabi ni Besher Hawi, tagapagsalita ng local council ng Aleppo.

Ayon sa mga doktor, namatay si Ali sa internal bleeding at organ damage.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline