COCO AT JULIA copy

AS promised, naririto ang karugtong ng cute na interview namin kay Julia Montes.

May idea ba siya na halos lahat ng tao ay naniniwalang siya ang girlfriend ni Coco Martin?

“Huwag po nating madaliin,” namumula ang pisngi at natatawang sagot ni Julia. “Relax lang po tayo. Nakaka-pressure ang mga tanong n’yo, grabe!”

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Dahil halos hindi makasagot sa kakulitan ng press, tinanong siya kung pareho rin ba siya ni Coco na sa trabaho nakatutok ang lahat ng panahon.

“Opo, kasi lalo po ngayon, ang hirap, especially sa part ko na kambal, ang hirap, baka mamaya, maligaw, ma-destruct, so mahirap po, baka mapabayaan ko ‘yung dalawang karakter,” sagot ng dalaga.

 

Oo nga naman, kung seseryosohin ni Julia ang love life, baka nga madiskaril ang magandang takbo ng career niya.

 

May usapan na ba sila ni Coco?

“May ganu’n po talaga?” muling namula ang mga pisnging sagot ng dalaga.

Ipinarating kay Julia ng isang katoto ang inamin ni Coco na may nagpapakilig dito at obviously na siya iyon.

 

“Flattered po, kasi kahit ako naman po, ‘pag tinatanong, siya rin naman ang pinaka-close ko,” masayang sabi ng dalaga.

 

Si Coco rin ba ang nagpapakilig sa kanya?

 

Muling natawa at lalo pang namula si Julia sabay sabing, “Kayo, ha? Ang hirap ng mga tanong n’yo.”

 

Follow-up question namin, ilang buwan na silang ‘close’ ni Coco?

“Bago pa po mag-Walang Hanggan (serye), close na po kami before kasi may napagtrabahuan na kami.”

 

Hirit naming, baka sa Wansapanataym ‘nabuo’ ang sobrang closeness nila.

“sa Wansapanataym po? Hirap naman ng mga tanong n’yo,” sambit ni Julia.

 

Kaya ang hirit namin, mahirap talagang sagutin ang tanong kapag may itinatago na ikinatawa na lang ang dalaga.

 

Samantala, walang love team si Julia katulad ng KathNiel, LizQuen, ElNella, at JaDine. Pero nasubukan na rin naman niyang magkaroon ng ka-love team dahil nagsama na nga sila ni Coco sa Walang Hanggan, Ikaw Lamang, Wansapanataym at sa pelikulang A Moment In Time.

Mas okay ba sa kanya na wala siyang ka-love team?

“Masasabi ko lang po, ang suwerte ko. Tulad ngayon, may sarili akong ka-love team, ang kakambal ko (Sara at Kara) which is ako pa rin. So, wala po akong masyadong iniisip, wala akong masyadong pressure.

  

“And mas siguro, mas nai-explore ko ‘yung mga katrabaho dahil marami akong nakaka-partner, lalo na sa show na ito, na per character, may mga ka-partner,” pahayag ng dalaga.

 

Usapan ba nila ni Coco na wala silang ka-love team? (Wala ring ka-love team ang aktor sa FPJ’s Ang Probinsyano).

“Grabe naman ‘yan!” natawa na lang na sabi ng pretty actress.

Samantala, patuloy ang pamamayagpag ng Doble Kara na napapanood sa hapon pagkatapos ng It’s Showtime. (Reggee Bonoan)