Kinondena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People, ang paggahasa sa isang Pinay sa Saudi na nagresulta din sa pagkamatay nito, kung saan hinihiling ng simbahang Katoliko ang hustisya para sa biktima.

“We in the CBCP ECMI condemn her violent rape and seek justice,” ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos sa isang pahayag.

“We ask our Labor Department to fully investigate the recruitment process she underwent and hold the agency that sent her to her employer criminally accountable,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Bishop Santos na ang balita hinggil sa pagkamatay ni Irma Edloy sa Saudi ay tunay na nakakalungkot sapagkat ang intensyon ng huli sa labas ng bansa ay upang kumita para sa kanyang pamilya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Let’s pray for Irma, that her soul may find rest and peace. Let’s pray for all our OFW that they may be always safe from harm and distress,” apela pa ni Bishop Santos.

Si Edloy ay binawian ng buhay sa ospital sa Riyadh noong Biyernes, matapos siyang isugod doon dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan na hinihinalang resulta ng sexual assault, kung saan suspek ang kanyang amo.

(Leslie Ann G. Aquino)