Sarado sa trapiko ngayong araw, Agosto 21, ang bahagi ng southbound lane ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa Pasay City upang bigyang daan ang pagdidiskarga at pagbuo ng dalawang bagong bagon ng Metro Rail Transit (MRT) 3.

Sa Tweet ng Metropolitan ManiIa Development Authority (MMDA), isasara simula 12:00 ng tanghali hanggang 5:00 ng hapon ang innermost lane sa EDSA southbound malapit sa MRT-3 Taft Avenue station sa Pasay City.

“This is to ensure the safety of the motorists during the unloading and assembly of two new MRT-3 light rail vehicles,” pahayag ng MMDA.

Pinapayuhan ang publiko at motorista na gumamit ng alternatibong ruta patungo sa kanilang destinasyon upang hindi maabala sa biyahe.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Bukod dito,sarado ngayong Linggo ng 9:00 ng umaga ang southbound lane ng Senator Gil Puyat Avenue at Roxas Boulevard sa Pasay City dahil sa gaganaping Sofitel Manila Half Marathon 2016. (Bella Gamotea)