Naglabas ang Food and Drugs Administration (FDA) ng public health warning laban sa silver cleaner na nakamamatay bunsod ng taglay nitong cyanide.

Batay sa FDA Advisory No. 2016-088, ipinag-utos nito ang monitoring sa mga silver cleaner na ipinagbibili sa merkado at pagkolekta at pagsusuri ng samples ng mga ito, upang matiyak na wala itong taglay na nakalalasong kemikal na cyanide.

Babala ng FDA, ang cyanide ay klasipikado bilang ‘poisonous’ o nakalalason, at madaling ma-absorb ng katawan sa pamamagitan lamang ng inhalation o pagkalanghap, ingestion o paglunok at maging sa pamamagitan ng dermal absorption.

“It blocks utilization of oxygen in all organs and liable to cause serious injury to human health that may lead to acute poisoning or death,” ayon pa sa FDA.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na ang babala ay inilabas ng FDA matapos matuklasan sa isinagawang pagsusuri ng kanilang Common Services Laboratory, na ang silver cleaner na ipinagbibili sa Unisilver Store (Isetann Bldg., Quiapo, Manila at Metropolis, Alabang, Muntinlupa) at Jewelrich, Incorporated (Isetann Bldg., Quiapo, Manila), ay may presensya ng cyanide.

“The FDA therefore warns the general public against using, buying and storing silver cleaning products found positive for Cyanide, as these pose imminent hazards and danger to both human and animal health,” bahagi pa ng advisory.

Pinayuhan rin ng FDA ang publiko na kung bibili ng silver cleaner ay tiyaking may instruction ito ng kung paano gamitin, may sapat na impormasyon, may pangalan at business address ng manufacturers, packer, distributor, o seller, may common o usual name ng chemical name, signal word na “POISONOUS”, “DANGER,” “WARNING,” “CAUTION,” “FLAMMABLE”, “VAPOR HARMFUL”, “CAUSING BURNS”, “HARMFUL OR FATAL IF SWALLOWED” at iba pang babala. (Mary Ann Santiago)