Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga indibidwal na interesadong tumakbo sa 2016 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na maagang magsumite ng kanilang Certificate of Candidacy (COC).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, maaga silang nagpapaalala sa mga COC filers, dahil batay sa kanilang karanasan, karaniwan nang dumadagsa ang mga ito sa mga local Comelec office sa huling araw ng COC filing.

Sinabi nito na ang filing ng COC ay itinakda nila mula sa Oktubre 3 hanggang Oktubre 5 lamang, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Maaari aniyang magsumite ng kandidatura ang mga ito sa Office of the City/Municipal Election Officer, na siyang nakakasakop sa barangay kung saan nila nais na mahalal bilang opisyal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Candidates are fond of last-minute filing. Please do not wait for the last day to file your COCs so that you will still have time for corrections in case there are questions in your COCs,” pahayag pa ni Jimenez.

Pinaalalahanan rin niya ang mga ito na tiyaking kumpleto ang mga dala nilang kinakailangang dokumento, kaya’t ngayon pa lang ay dapat na nakahanda na ito.

Ang election period para sa BSKE ay itinakda mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 7, 2016, habang maaari namang mangampanya ang mga aspirante para sa BSK posts mula Oktubre 21 hanggang Oktubre 29.

Ang BSKE na nakatakdang idaos sa Oktubre 31, ay manual elections lamang. (Mary Ann Santiago)