LOS ANGELES (AFP) – Patuloy na nilalabanan ng mga bombero ang mga wildfire na pinatindi ng malalakas na hangin at maalinsangang panahon sa California, at nagbunsod ng paglikas ng libu-libong residente noong Huwebes.

Nasusunog ang malaking bahagi ng Angeles National Forest, sa southern California, dalawang malalaking apoy ang nangangalit sa gitnang bahagi ng estado at isa pang sunog sa dulong hilaga ang nagpalayas sa mga residente.

Nilamon ng Angeles forest fire – binansagang “Bluecut” – ang 12,545 ektarya, mahigit doble ang laki sa Bermuda.

Iniutos ng California Department of Forestry and Fire Protection ang paglikas sa 82,500 katao na posibleng daanan ng Bluecut, kabilang ang buong populasyon sa mga bayan ng Wrightwood at Lytle Creek, at ilan libong nasa katabing Phelan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina