SAN JOSE CITY - Nasunog ang mukha ng isang 18-anyos na dalagang waitress makaraang sabuyan siya ng muriatic acid ng dalawang hindi kilalang lalaki na nangholdap sa kanya habang pauwi mula sa pinaglilingkurang resto bar sa Barangay Rueda sa lungsod na ito, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ng San Jose City Police ang biktimang si Emalyn Joy Malincon y Jose, ng Josephine Village, Bgy. Calaocan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joel Beltejar, dakong 2:05 ng umaga nang lumabas si Malincon matapos magsara ang Fersie’s Resto Bar ngunit hinarang siya ng mga suspek na sakay sa isang tricycle, nagsibaba ang mga ito, tinutukan siya ng patalim at nagdeklara ng holdap sabay saboy ng muratic acid sa kanyang mukha.

Natangay sa biktima ang kanyang wallet na may P3,550 cash at cellphone. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar