Agosto 20, 1911 nang magpadala ang New York Time’s dispatcher ng telegram sa buong mundo gamit ang commercial utilities, upang masubukan ang bilis ng pagpapadala ng telegram, at tingnan ang mga ruta.
Ang mensaheng “This message sent around the world” ay ipinadala mula sa ika-17 palapag ng opisina ng isang pahayagan sa New York, dakong 7:00 ng gabi ,ng araw na iyon na natanggap ng 16 na operator sa buong mundo, at naglakbay sa layong 28,000 milya. Makalipas ang 16.5 minuto, nakatanggap ang operator ng sagot. Ang mensahe ay umabot sa Pilipinas, Singapore, at Bombay, at iba pang bansa.
Ang gusali kung saan ipinadala ang mensahe ay tinatawag ngayong One Times Square.
Hulyo 1903 nang matagumpay na maipadala ni dating United States Theodore Roosevelt ang unang mensahe sa buong mundo sa loob ng siyam na minuto nang makumpleto niya ang Commercial Pacific Cable.