RIO DE JANEIRO (AP) — Isang weightlifter mula sa Kyrgyzstan ang nakagawa ng negatibong kasaysayan sa Rio Games – bilang kauna-unahang atleta na binawian ng medalya bunsod ng pagsalto sa doping test.

Isang Chinese swimmer at Brazilian cyclist ang diniskwalipika nitong Huwebes (Biyernes sa Manila), habang isang Moldovan canoeist ang nasuspinde at posibleng bawian din ng bronze medal.

Nagpositibo sa ‘strychnine’ si Artykov sa isinagawang doping test matapos magwagi ng bronze medal sa men’s 69-kilogram division, ayon sa Court of Arbitration’s anti-doping division.

Ang ‘strychnine; ay isang mapanganib na droga na ginagamit sa paggawa ng pataba at pamatay peste, gayundin mainam itong gamitin para mapatigas ang muscle ng atleta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bunsod nito, ang pang-apat na si Luis Javier Mosquera ng Colombia ang kumuha ng bronze medal. Sina Zhiyong Shi ng China at Daniyar Ismayilov ng Turkey ang nagwagi ng gold at silver.

Pinatawan naman ng apat na taong suspensiyon ng arbitration court si indian wrestler Narsingh Yadav na nagpositibo sa ‘methandienone’ .