Nasukol ng mga awtoridad ang dalawang illegal recruiter na nag-aalok ng mga pekeng trabaho sa Switzerland.

Batay sa ulat ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Hans Leo Cacdac, nahuli sa entrapment operation ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Robinson’s Manila kamakailan sina Wilfrido Liwag David at Jemmalyn Mimis Barlan na nag-aalok ng mga pekeng trabaho sa hotel at pabrika sa 12 katao.

Kasabwat ng dalawang Pinoy ang Swiss employer na Kelloggs Brown Root Company.

Pinangakuan ang mga biktima ng P60,000 hanggang P70,000 sahod, at sinabing tatagal lamang ng 45 araw ang pagproseso ng kanilang aplikasyon dahil may mga nakahanda nang visa. Hiningian din sila ng P3,500-P6,000 bayad para sa medical exam sa isang klinika sa Ermita. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars