NAIROBI (Thomson Reuters Foundation) – Hindi na mapipigilan ang pagtaas ng puwersahang pangangalap ng mga batang sundalo sa South Sudan, babala ng United Nations’ children’s fund noong Biyernes, sa gitna ng pangamba na nasa bingit ng panibagong civil war ang pinakabatang nasyon sa mundo.

Sa kabila ng kasunduang pangkapayapaan noong Agosto 2015, sumiklab ang matinding bakbakan sa kabiserang Juba nitong nakaraang buwan, na ikinamatay ng daan-daang katao.

“At this precarious stage in South Sudan’s short history, UNICEF fears that a further spike in child recruitment could be imminent,” sinabi ni UNICEF deputy executive director Justin Forsyth sa isang pahayag matapos bumisita sa South Sudan. “The dream we all shared for the children of this young country has become a nightmare.”

Sinabi ng UNICEF na 16,000 bata ang kinalap para sumali sa mga armadong grupo simula Disyembre 2013, nang pumutok ang civil war sa pagitan ng mga tropang tapat kay President Salva Kiir at ng mga sumusuporta kay dating Vice President Riek Machar.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'