Nagkaloob si King Salman Bin Abdulaziz Al Saud ng SR100,000,000 (P1.2 billion) para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na naapektuhan sa pagsasara ng mga kumpanya sa Saudi Arabia dahil sa pagbaba ng presyo ng langis.

Ayon sa Saudi Arabia Embassy sa Manila, ang pondo ay tulong ng gobyerno ng Saudi Arabia sa mga stranded na OFW na karamihan ay nagtatrabaho sa engineering, technical, at opisina.

“This royal magnanimity is considered unique of its kind as no government of any state receiving foreign workers in the entire world in the past has shouldered this kind of burden resulting from deployment of foreign workers in companies in the private sector on the ground that these are private labor cases,” pahayag ng Embassy.

Samantala, pinag-aaralan na ang mass repatriation ng tinatayang 2,000 stranded OFW simula ngayong Agosto 20 hanggang Setyembre 9 kung saan babalikatin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang lahat ng gastusin, kabilang na ang tiket sa eroplano.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakipagpulong si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III kay Saudi Arabia Minister of Labor and Social Development Mofarrej Saad al-Haqbani sa Riyadh noong Miyerkules upang planuhin ang repatriation ng mga apektadong OFW. Iniabot din niya ang liham ng pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay King Salman sa ipinagkaloob na ayuda sa mga Pinoy doon. (BELLA GAMOTEA)