Umarangkada kahapon ang blood-letting program ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) katuwang ang Philippine Red Cross (PRC) sa layuning makapagbigay ng libreng dugo sa mga kapus-palad na pasyente.
Nagsimula ang programa dakong 8:00 ng umaga at nagtapos 2:00 ng hapon sa Multi-Purpose Hall ng MPD Headquarters, sa United Nations Avenue, Ermita, Manila.
Ayon kay Mer Layson, presidente ng MPDPC, mahigit 200 miyembro ng media, pulis, marino at pribadong mamamayan ang nag-alay ng dugo sa ilalim ng programa na may temang “Dugo Ko Sasagip Sa Buhay Ng Kapwa Ko.” (Mary Ann Santiago)