Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
10 n.u. -- NU vs CSB
12 n.t. -- ADMU vs UST
4 n.h. -- UP vs FEU
6 n.g. -- NU vs ADMU
Makapuwersa ng playoff ang tatangkain ng Ateneo de Manila para sa huling quarterfinals slot sa Group A sa pagsagupa nila sa namumunong National University sa tampok na laro ngayon sa Shakey’s V-League Collegiate Conference sa San Juan Arena.
Inaasahan ang matinding hamon na susuungin ng Lady Eagles sa tapatan nila ng Lady Bulldogs sa tampok na laro sa ganap na 6:00 ng gabi.
Target naman ng Lady Bulldogs ang four-game sweep sa kanilang grupo para sa perpektong record papasok ng kampeonato.
Paglalabanan naman ng University of the Philippines at Far Eastern University ang top ranking sa Group B sa unang laro sa ganap na 4:00 ng hapon.
Hawak ang barahang 1-2, hangad ng Ateneo na tumabla sa Technological Institute of the Philippines (2-2) sa third spot para makapuwersa ng playoff para sa huling quarters berth sa Group B. (Marivic Awitan)