Pinalaya kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon, kapwa opisyal ng National Democratic Front (NDF), matapos silang magpiyansa sa Manila Regional Trial Court kaugnay ng patung-patong na kaso ng murder.

Nakalabas sa PNP-Custodial Center ang mag-asawa matapos magpiyansa bago magtanghali kahapon.

Lumabas ang mag-asawa sa Gate 3 ng Camp Crame sa Quezon City at sinalubong sila ng kanilang mga tagasuporta at mga miyembro ng media.

Nagpasalamat naman ang mga Tiamzon kay Pangulong Duterte para sa pansamantalang pagpapalaya sa kanila para magawa nilang makibahagi sa usapang pangkapayapaan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines (CPP) at NDF sa Oslo, Norway sa Agosto 22-26.

National

Kung may sama ng loob? Usec. Claire Castro, 'open' makipag-usap kay Leviste sa labas ng Korte

Sinabi naman kahapon ni Presidential peace adviser, Secretary Jesus Dureza, na ang pagpapalaya sa mag-asawang Tiamzon ay nagpapatunay na seryoso ang Pangulo sa pagsusulong ng usapang pangkapayapaan upang matuldukan ang ilang dekada nang insurhensiya sa bansa.

Ang mga Tiamzon ang huli sa kabuuang 15 NDF consultant na napalaya na ng gobyerno para makadalo sa peace talks sa Norway. (Fer Taboy at Elena Aben)