TALAVERA, Nueva Ecija - Tuluyan nang namahinga ang isang 54-anyos na lalaki na sakay sa duyan nang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki makaraang pasukin sa kanyang compound sa Purok 1, Barangay Andal Alino sa bayang ito, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Leandro Novilla, hepe ng Talavera Police, ang biktimang si Joseph Alino y Martin, may asawa, na nagtamo ng limang tama ng bala ng .45 caliber pistol at agad na namatay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Reynaldo Cayog, Jr., dakong 2:15 ng hapon at namamahinga sa duyan si Alino sa loob ng kanilang compound nang biglang pumasok ang salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar