“Arrest him.”

Ito ang iniutos ng Sandiganbayan laban kay dating Philippine National Police Academy (PNPA) director Chief Supt. Dionisio Coloma, Jr. kaugnay ng pagkakasangkot nito sa kasong graft noong 2012.

Ang kautusan ng anti-graft court ay kasunod ng pagbasura ng hukuman sa mosyon nito na humihiling na huwag nang magpalabas ng arrest warrant laban dito.

Ayon sa korte, ibinasura nito ang mosyon ni Coloma matapos pagtibayin ng Korte Suprema ang pagkakahatol sa kanya sa graft noong 2012, at dahil na rin sa kakulangan ng merito ng kanyang apela.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Itinuloy pa rin ng anti-graft court ang pagpapalabas ng arrest warrant sa kabila ng pakiusap ni Coloma na “mahina na siya” at nais na niyang sumuko sa gobernador ng Sultan Kudarat.

“The Sandiganbayan upheld the prosecution’s argument that the issuance of a warrant of arrest ‘is a logical consequence’ of the execution and enforcement of the SC’s final judgment finding Coloma guilty of graft over an anomalous P5.73-million building contract in Bongao, Tawi-Tawi,” paliwanag ng korte. (Rommel P. Tabbad)