ISTANBUL (AFP) – Nag-emergency landing ang isang eroplano ng Qatar Airways sa Ataturk Airport ng Istanbul noong Huwebes nang tumama ang isang ibon sa makina nito, sinabi ng Gulf carrier.

Ligtas na bumaba ang lahat ng 312 pasahero at crew nito, ayon sa Qatar Airways.

“Qatar Airways can confirm that QR240 from Istanbul to Doha experienced a bird strike, which resulted in its safe return to Istanbul,” saad sa pahayag ng airline.

Isang replacement plane ang ipinadala mula Doha sa Istanbul.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline