Nag-aagaw-buhay ang isang lalaki matapos umanong pagsasaksakin ng mortal niyang kaaway sa Malabon City, nitong Huwebes ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Albert Garcia, 25, ng Block 14-D, Lot 24, Phase 2, Area 3, Dagat-Dagatan Avenue, Barangay Longos ng nasabing lungsod, sanhi ng malalalim na saksak sa sikmura.

Nakatakas naman ang suspek na umano’y si Christian Cantuba, ng Block 3, Langaray St., Bgy. Longos at nahaharap sa kasong frustrated murder.

Sa report ni PO3 Rolando Hernando, dakong 8:30 ng gabi, abala sa pagte-text si Garcia nang lapitan umano ito ng suspek at walang habas na pinagsasaksak.

Diokno rumesbak sa pambabastos ng Chinese officials kina Pangilinan, Tarriela, De Lima

Nabatid na matagal na umanong may alitan sina Garcia at Cantuba at pinagbantaan na umano ng huli ang una na papatayin kapag nakakuha ng pagkakataon. (Orly L. Barcala)