Naputol ng San Sebastian College ang nine-game losing skid nang pabagsakin ang University of Perpetual,71-55, kahapon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena.

Mula sa dikit na iskor sa first quarter, 26-20, nalimitahan ng Stags sa single digit production ang Altas sa sumunod na dalawang quarters upang ganap na makontrol ang laro papasok ng final canto bitbit ang 51-37 bentahe.

Pinilit humabol ng Altas, ngunit walang makuhang suporta si Bright Akhuettie mula sa kanyang mga teammates na naging dahilan ng kanilang pagbagsak.

Nagposte ng 13 puntos si Alvin Capobres, tig-11 puntos sina Allyn Bulanadi at Regille Ilagan at 10 puntos naman si Jerrick Fabian upang manguna sa panalo ng San Sebastian para sa 2-9 karta.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Dahil sa kabiguan, bumaba naman ang Altas na nakakuha ng 21 puntos at siyam na rebound kay Akhuettie Bright sa ikatlo nilang pagkabigo sa 11 laro.

Bagama’t nagtala ng mas mababang field goal shooting, 29.49 percent kumpara sa 34.62 percent ng Altas, nakuha pa ring ipanalo ng Stags ang laro sa pamamagitan ng depensa matapos limitahan lamang ang Altas sa kabuuang 52 attempts.

Iskor:

San Sebastian (71—Capobres 13, Bulanadi 11, Ilagan 11, Fabian 10, Calisaan 9, Valdez 6, Baetiong 5, Serajosef 4, David 2, Johnson 0, Mercado 0, Calma 0.

Perpetual Help (55—Akhuetie 21, Hao 9, Coronel 6, Pido 6, Dagangon 4, Eze 4, Ilagan 4, Sadiwa 1, Dizon 0, Singontiko 0.

Quarters:

26-20, 41-28, 51-37, 71-55. (Marivic Awitan)