Wala talagang magandang maidudulot ang alak.
Napatay ng lalaki ang kanyang kinakasama nang tumanggi umano itong magbigay ng perang pambili ng alak sa Port Area, Maynila, nitong Huwebes ng gabi.
Apat na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang natamo ni Baunut Mapusali, 43, ng Block 11, Baseco Compound, Port Area, Manila, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Lux Mangcao, alyas “Kakok”, 40-45, at residente rin ng naturang lugar.
Sa inisyal na ulat ni SPO2 Charles John Duran, imbestigador ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Persons (CAPIS), dakong 7:30 ng gabi nang maganap ang pananaksak sa loob ng tinutuluyan ng biktima at suspek. (Mary Ann Santiago)