NATUNA, Indonesia (PNA/Kyodo) – Upang mapanatili ang soberanya sa rehiyon, inihayag ng Indonesia nitong Miyerkules ng gabi na babaguhin nito ang pangalan ng South China Sea at tatawaging Natuna Sea sa bahaging nasa 200 milyang sakop ng Natuna Islands ng bansa.

Sinabi ni Ahmad Santosa, hepe ng Task Force 115, isang ahensiyang kontra sa ilegal na pangingisda, na ang panukala “will be given to the United Nations”, idinagdag na “if no one objects...then it will be officially the Natuna Sea.”

Saklaw ng plano ang pagpapalit sa pangalan ng dagat na nakapaligid sa Natuna Islands, na nasa hilaga-kanluran ng bahagi ng Indonesia sa Borneo, at sakop ng 200 nautical mile exclusive economic zone nito.

Nitong Miyerkules, anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Indonesia, pinalubog ng mga awtoridad ang 60 sasakyang pandagat—58 ang dayuhang bangka at 2 domestic vessels—dahil sa ilegal na pangingisda.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina