Sinabi kahapon ni Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Jonas Nograles na kailangang itigil na ang pagpapadala ng “excursionists”, nagpapasarap at lakwatserong mga opisyal at atleta ng Philippine Sports sa international sporting events.

Sa halip, aniya, ay magpadala na lang ng mga manlalaro na may potensyal na manalo ng mga medalya.

Ayon kay Nograles, nasasayang lamang ang pera ng mamamayan para gastusan ang mga hindi nakahandang atleta at kanilang entourage sa international sporting competitions, tulad ng Olympics at SEA Games.

Iminungkahi niya na gamitin ang pondo ng gobyerno upang maisa-moderno ang sports facilities sa bawat siyudad at bayan sa buong bansa.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Idinagdag niya na ang dapat gastusan ng husto ng pamahalaan ay ang pagde-develop sa mga atleta na nasa sports na hindi kailangan ang taas o laki, bilis.

“We are too much into sports like basketball, football and volleyball but it would require us a full genetic upgrade before we can truly excel in these types of sports. It’s entirely a different story however if we take part into endurance sports like marathon, or in weight-classed sports like boxing and weight lifting,” bigay-diin ni Nograles.

(Bert de Guzman)