Follow-up ito sa nangyari kay DJ Karen Bordador ng RX.93.1 na inaresto sa buy-bust operation noong Sabado ng gabi kasama ang boyfriend na si Emilio Lim at nakuhanan ng ecstacy tablets, marijuana, marijuana oil, money counting machine, at mamahaling relo na umaabot sa P2.8M sa condo unit ng huli sa Pasig City.

Nitong nakaraang Miyerklues, naglabas na ng statement ang management ng FM radio station na pinaglilingkuran ni DJ Karen.

“RX 93.1 is shocked by the recent events concerning our DJ, Karen Bordador, who was implicated in a drug-related arrest. Karen showed no indication in the workplace of any involvement with prohibited substances.

“Police authorities have filed charges against Ms. Bordador, and we trust that the ongoing investigation will bring out the truth.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“The station strongly condemns the use of illegal substances, and does not condone the use of drugs by any of our staff.

“Over several decades, RX 93.1 has built a reputation as a responsible, multi-awarded broadcast institution. We thank our listeners for their loyalty, and we assure the public that we will continue to be worthy of its trust and support.”

Dumalaw na ang ina ni Karen sa piitan at napaiyak sa nakitang kalagayan ng anak at sinabi nitong walang involvement ang dalaga sa droga.

Samantala, tiyak na dinadaga na sa dibdib ang ilang personalidad na sinasabing diumano’y kliyente nina Karen at Emilio batay sa listahang nakuha ng Southern Police District. (REGGEE BONOAN)