Napanatili ng San Beda College at Arellano University ang kanilang pamumuno makaraang magsipagwagi sa kani- kanilang katunggali kahapon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.
Tinalo muli ng reigning champion Red Cubs ang Jose Rizal University Light Bombers, 86-63, habang ginapi ng Braves ang San Sebastian Staglets, 78-65.
Nagtala ng 15 puntos si Ry de la Rosa habang umiskor ng tig-13 puntos sina Evan Belle at Joshua Tagala upang pangunahan ang nasabing panalo, ang kanilang ika-10 kontra isang talo.
Nanguna naman sa Light Bombers na bumaba sa barahang 2-9, panalo- talo at nag iisang tumapos na may double digit sa iniskor niyang 14 puntos si Lloyd State.Maria.
Gaya ng dati, muli namang nanguna sa Braves si Guilmer de la Torre na nagposte ng game high 27 puntos, 15 dito ang isinalansan nya sa second period.
Dahil sa panalo, pumatas sila sa San Beda sa liderato habang bumagsak naman ang Stags sa kabaligtarang barahang 1-10, panalo- talo. (Marivic Awitan)