Posible nang ipagbawal sa Quezon City ang kontrobersyal na Pokemon Go, ang location-based augmented reality game na kinahuhumalingan ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ay nang maghain ng isang resolusyon sa konseho si Quezon City 5th District Councilor Allan Butch Franciso na humihiling na i-ban sa mga opisina ng pamahalaan, paaralan, at simbahan sa lungsod, upang maiwasan umano ang mga aksidente at matiyak pa ang kaligtasan ng mga residente ng siyudad.

Nanawagan din ito sa Niantic Incorporated, ang developer nito, na huwag na nilang gawing Pokestops o lure spots ang nasabing mga lugar.

Paliwanag ni Francisco, kapag naapruhan na ang kanyang panukala ay padadalhan nila ng kopya ng kanilang resolusyon si Niantic Inc. Chief Executive John Hanke upang himukin na gumawa ng kaulang adjustment sa nasabing laro.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Ginamit din na dahilan ni Francisco ang ginawang pagkontra ng United States sa paglantad ng Pokemon characters sa kanilang mga historical sites katulad ng Holocaust Memorial Museum at sa Arlington national cemetery.

“The Auschwitz Birkenau State Museum in Poland also appealed to Niantic to spare the former Nazi death camp from Pokemon Go,” sabi pa ng konsehal.

Ang Pokemon Go ay unang inilabas sa ilang piling bansa noong nakalipas na Hulyo ng taong ito kung saan ang mga manlalaro nito ay gagamit ng GPS capability upang matagpuan, mahuli, malabanan at maturuan ang mga virtual creature na Pokemon. (Rommel Tabbad)