Iginiit ni Senator Manny Pacquiao na matagal na siyang lumaban sa droga gamit ang personal na pera pero hinuhuli niya lamang daw ang mga drug pusher at hindi pinapatay.

Ang pahayag ni Pacquaio ay ginawa sa pagdining ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na dinaluhan din ni Philippine National Poice (PNP) Director Ronald de la Rosa.

Aniya, kaya siya gumastos ng sariling pera bilang tulong na rin sa mga pulis sa pagsugpo sa mga drug pushers na salot sa mga kabataaan.

“May sarili din akong datos, actually pwede kong ibigay sa’yo, general, ‘yung mga clippings ko dun, ‘yung mga files ko dun. ‘Yung mga pinahuli, hindi ko naman pinapatay, kundi pinahuli ko lang dahil namiminsala ng mga kabataan, hindi pa ako umabot dun sa pag-execute” ani Pacquiao.

Probinsya

Rider na humarang sa nagmamadaling truck ng bumbero, buminggo sa LTO

Sinabi pa ni Pacquiao na batay sa kanyang mga dokumento, may mga pulis na sangkot sa droga.

Ibinunyag din ni De la Rosa na aabot na sa 899 ang namatay at 22 kaso na rin ang naisampa sa korte mula Hulyo hanggang Agusto 15 ngayong taon.

Kaugnay nito, tumalima din si De la Rosa sa kahilingan ni Senator Grace Poe na dapat sibilyan ang mamuno sa Internal Affairs Service (IAS) batay na rin sa umiiral na batas. (Leonel M. Abasola)