MULING ipinatawag ng MTRCB sa pamumuno ni Atty. Eugenio “Toto” Villareal ang mga namamahala ng programang Pinoy Big Brother.
Humihingi ng dayalogo ang ahensiya sa producers at writers ng reality show ng ABS-CBN upang mapag-usapan ang tungkol sa reklamo ng netizens sa episode na biniro ng housemates ang kasamahan na tinaguriang Badjao Girl o si Rita Gaviola.
Habang naghuhugas kasi ng plato si Rita, ipinakita sa show na pinagkakatuwaan o “pinaglalaruan” naman ng ibang housemates ang kanilang mga underwear at doon napikon at sumama ang loob ng Badjao Girl.
In fairness, pinag-ayos naman ni Kuya ang housemates pero ayon sa mga nagrereklamo, hindi raw dapat na nangyari o ipinalabas ‘yun sa isang primetime show. Isa raw itong uri ng bullying at discrimination.
Marami ang natuwa sa mabilisang aksiyon ng MTRCB, hindi na raw gaya noong dati na pinatatagal pa ang reklamo ng viewers. (JIMI ESCALA)