Ibinasura ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration ni Muntinlupa Rep. Rufino Biazon kaugnay ng kinakaharap na patung-patong na kaso dahil sa pork barrel fund scam.

“Wherefore, in view of the foregoing, accused Rozzano Rufino Biazon’s motion for reconsideration dated July 11, 2016 is denied,” pagdidiin ng 7th Division ng anti-graft court.

Inihayag ng hukuman na isinampa ni Biazon ang mosyon nito nang maglabas ng ruling ang anti-graft court noong Hunyo 23 na nagsasabing nakitaan ng probable ang mga kaso ng kongresista upang malitis ito sa korte.

Kabilang sa kinakaharap na kaso ni Biazon ay ang malversation, graft, at direct bribery na nag-ugat sa kontrobersyal na priority development assistance fund (PDAF) scam nang tumanggap umano ito ng P1.95 milyong kickback sa pakikipagsabwatan umano nito sa utak ng scam na si businesswoman Janet Lim Napoles, nang ipalabas nito ang kanyang ‘pork’ fund sa mga ghost project nito. (Rommel Tabbad)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon