IMINUMUNGKAHI sa bagong research na maaaring pag-isipan ng mga drayber ang paglipat sa pagbibisikleta bilang pangunahing paraan ng transportasyon, nang mapag-alaman na ang mga taong nagmamaneho ng sasakyan ay mas mabigat kaysa mga nagbibisikleta.

Nagmula ang resulta sa isang international team ng mga researcher – na pinapangunahan ni Dr. Audrey de Nazelle mula sa Centre for Environmental Policy sa Imperial College London sa United Kingdom – na nagsuri ng mga datos sa halos 11,000 matatanda sa Europe.

Ang research ay bahagi ng proyekto ng Physical Activity through Sustainable Transport Approaches (PASTA), na naglalayon na mas maintindihan kung paano naaapektuhan ng iba’t ibang uri ng transportasyon ang pisikal na aktibidad at kabuuang kalusugan ng publiko.

Itinuturing na kakulangan sa pag-eehersisyo ang pangunahing dahilan ng hindi magandang kalusugan. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang kakulangan ng pisikal na aktibidad ay pangunahing risk factor na nagdudulot ng kamatayan sa buong mundo, itinataas ang panganib ng obesity, diabetes, cardiovascular disease at cancer.

Sen. Kiko, tinutulan visa-free policy sa mga Chinese national

Bagamat naidokumento ang mga panganib, isa sa apat na tao sa buong mundo ay bigo pa ring magsagawa ng sapat na ehersisyo.

Karaniwang mas mabigat ng apat na kilo ang mga drayber kumpara sa mga siklista

Sa kanilang isinasagawang proyekto, nag-survey si Dr. de Nazelle at ang mga kasamahan sa trabaho ng 11, 000 matatanda mula sa apat na lungsod ng Europe, kabilang ang Antwerp, Barcelona, London, Oerobro, Rome, Vienna, at Zurich.

Tinanong ang mga kalahok kung anong uri ng transportasyon ang ginagamit nila para maglibot sa lungsod at kung gaano katagal ang kanilang sa pagbibyahe gamit ang uri ng kanilang transportasyon.

Bilang karagdagan, ipinaalam ng mga kalahok ang kanilang timbang at tangkad, pati na ang masasabi nila tungkol sa paglalakad at pagbibisekleta.

Nabunyag sa resulta na ang mga kalahok na gumagamit ng sasakyan bilang pangunahing transportasyon ay karaniwang mas mabigat ang timbang ng 4 kilograms – o 8.8 pounds – kumpara sa mga taong bisikleta ang pangunahing uri ng transportasyon.

Dagdag pa ng mga researcher, ang pagpapalit sa mas aktibong paraan ng transportasyon, tulad ng paglalakad o pagbibisikleta, ay may mahalagang kapakinabangan sa kalusugan na nagpapataas ng pisikal na aktibidad.

“If people can integrate this into their daily lives, such as going to work or going shopping, then it means you don’t have to make special time commitments and it’s more affordable for everybody.

Getting people to walk and bike as part of their daily transport modes is really an ideal solution to try to tackle this epidemic of physical inactivity,” ani Dr. Audrey de Nazelle. (Medical News)